Sa taunang pulong ng International Air Transport Association (IATA) na idinaos kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysiya, ipinahayag ni Tony Tyler, Director General at CEO ng IATA, na ang pagkawala ng ugnayan sa MH370 ay isang pambihirang aksidente na magbibigay ng malaking aralin sa larangan ng abiyasyon.
Sinabi ni Tyler na, ang nasabing aksidente ay hindi lamang nagdulot ng di-magandang kalagayan sa mga kamag-anakan ng mga pasahero at personahe sa MH370, kundi ng mahirap na kalagayan rin para sa Malaysiya. Ang pinakaimportanteng pangyayari ngayon ay kung paanong mapahupa ang kalooban ng mga kamag-anakan at patuloy at buong lakas na hanapin ang nawawalang eroplano.