Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Komunikasyon ng Malaysia, sinabi nito na nagpadala na ang Malaysia ng working group papuntang Perth, Australia para lumahok sa search and rescue operation.
Anang pahayag, ang naturang working group ay binubuo ng administrasyon ng abyasyong sibil, hukbong pandagat at panghimpapawid, at Malaysia Airlines.
Sa kasalukuyan, maraming eroplanong pangsibilyan at militar mula sa Australia, Tsina, New Zealand, at iba pang bansa, at marami ring bapor ang ipinadala sa search region para hanapin ang nawawalang flight MH370.
Salin: Li Feng