Ipinahayag kamakailan ni Yang Xiuping, Sugo ng Tsina sa ASEAN, na ibayo pang pahihigpitin ang relasyon ng Tsina at ASEAN sa taong 2014.
Inilahad niya ang mga pangunahing gawain para sa target na ito na kinabibilangan ng pagtalakay ng kasunduang pangkooperasyon at pangkaibigan ng dalawang panig, pagtataas ng antas ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA, pagpapasulong ng komunikasyon at transportasyon ng dalawang panig sa dagat, pagpapasulong ng gawaing paghahanda para sa Asian Infrastructure Investment Bank, at pagdaraos ng mga aktibidad para sa China-ASEAN Cultural Exchange Year.
Sinabi ni Yang na kasunod ng pagpapalalim ng reporma sa Tsina, tinayang ang kabuuang bolyum ng pag-aangkat ng Tsina mula sa ASEAN ay aabot sa halos tatlong trilyong Dolyares at ang kabuuang bolyum ng pamumuhunan ng Tsina sa ASEAN ay lalampas sa 100 bilyong Dolyares sa loob ng darating na walong taon.
Bukod dito, ipinahayag ni Yang na ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kababaihan ng Tsina at ASEAN ay mahalagang nilalaman ng komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig.
Ipinangako ni Yang na patuloy na kakatigan ng Tsina ang kooperasyon nila ng ASEAN sa usaping pangkababaihan para mas mainam na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan, at patataasin ang kanilang katayuang panlipunan.