John Kerry (Kalihim ng Estado ng Amerika) at Catherine Ashton (mataas na kinatawan na namamahala sa patakarang diplomatiko at panseguridad ng EU), nagtagpo bago ang pulong
Nakatakdang idaos ngayong araw sa Geneva ang Pulong ng Apat (4) na Panig (Rusya, Amerika, Unyong Europeo, at Ukraine) hinggil sa isyu ng Ukraine. Bago ang pulong, kapuwa ipinalabas ng EU at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang kani-kanilang pag-asang malulutas ang masalimuot na isyung ito sa pulitikal at diplomatikong paraan.
Ipinahayag ni Anders Fogh Rasmusen, Pangkalahatang Kalihim ng NATO, na ang pulitikal at diplomatikong paraan ang siyang tanging mabisang paraan para sa paglutas sa nasabing isyu.
Ipinahayag naman ni Catherine Ashton, mataas na kinatawan na namamahala sa patakarang diplomatiko at panseguridad ng EU, ang pag-asang magkakaroon ang Ukraine at Rusya ng "Face-to-Face" dialogue, at mapapanatili ng dalawang panig ang pagtitimpi para mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyon.
Salin: Li Feng