Ipinagpatuloy kahapon sa Luxembourg ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga kasaping bansa ng Unyong Europeo(EU) hinggil sa epektong dulot ng krisis ng Ukraine sa patakarang pandepensa at panseguridad ng EU. Kabilang sa mga kalahok ay si Pangkalahatang Kalihim Anders Fogh Rasmussen ng North Atlantic Treaty Organization(NATO).
Ipinahayag ni Rasmussen na isinagawa at isasagawa ng NATO ang hakbang para pahigpitin pa ang kanilang pagtatanggol sa lupa, karagatan at himpapawid, na gaya ng pagpapalakas ng ensayong militar, paggawa ng plano at pagtatalagang pandepensa. Binigyang diin din niya na positibo ang NATO sa mungkahi ng EU na lutasin ang kasalukuyang krisis sa Ukraine, sa pamamagitan ng paraang pampulitika. Hindi magpapadala ng tropa ang NATO sa naturang bansa, dagdag pa niya.