Sa isang opisyal na pahayag kahapon, ipinatalastas ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina na narating ng kanyang pinamumunuang Fatah at ng Hamas ang Kasunduan ng Rekonsilyasyon. Napagkasunduan ng dalawang panig na bumuo ng Pamahalaan ng Koalisyon sa loob ng susunod na limang linggo. Bukod dito, sa loob ng anim na buwan pagkaraang mabuo ang nasabing Pamahalaan, idaraos ang pambansang halalan.
Bilang tugon, ipinahayag kagabi ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Israel ang kapasiyahan na kanselahin ang talastasan ng Palestina at Israel nang araw ring iyon.
Ipinahayag naman kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagkadismaya ng Pamahalaang Amerikano sa narating na kasunduan ng Fatah at Hamas. Aniya, ang kasunduan ay magpapasalimuot sa situwasyon ng Gitnang Silangan.
Salin: Jade