Ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagsasagawa ng sangsyon sa Rusya dahil sa isyu ng Ukraine ay hindi makakatulong sa paglutas ng isyu, sa halip, ito ay magbibigay pa ng pasibilidad sa paglala. Ito ay hindi angkop sa interes ng anumang panig, dagdag pa ni Qin.
Ani Qin, laging tutol ang Tsina sa madalas na pagsasagawa ng sangsyon sa ibang bansa. Nananawagan aniya ang Tsina sa iba't ibang panig na patuloy na lutasin ang hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan para mapasulong ang pulitikal na paglutas ng krisis ng Ukraine.
salin:wle