Sa pangkagipitang pulong ng UN Security Council hinggil sa isyu ng Ukraine, sinabi kahapon ni Wang Min, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN na umaasa ang Tsina na magtitimpi ang iba't ibang panig para maiwasan ang ibayo pang paglala ng situwasyon sa Ukraine.
Bilang tugon sa kahilingan ng pirmihang delegasyon ng Rusya sa UN, idinaos ng UNSC ang pangkagipitang pulong hinggil sa nasabing isyu.
Sinabi ni Wang na ang paglutas ng isyu ng Ukraine ay nagsasangkot sa interes at kapakanan ng iba't ibang panig. Dapat aniyang patuloy na paliitin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng pulitikal at diplomatikong paraan, at sa framework ng batas.
salin:wle