Sinabi kahapon ni Robert Serry, Sugo ng UN sa isyu ng Gitnang Silangan sa isang panel discussion ng UN Security Council, na dahil nananatili pa rin ang pagkakaiba ng palagay sa pagitan ng Israel at Palestina sa mga masusing isyu, hindi mabunga ang pinakahuling round ng talastasang pangkapayapaan ng dalawang panig. Hinimok niya ang nasabing dalawang panig na magsikap, para ipagpatuloy ang kanilang prosesong pangkapayapaan.
Sinabi ni Serry na dapat mapagtanto ng Israel ang apektong dulot ng patuloy na pagtatatag ng panirahang-purok ng mga Hudyo sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan; samantala, dapat magsisi naman ang Palestina sa kanyang aktibidad sa arenang pandaigdig.