Ipinatalastas kahapon ni Oleksandr Turchynov, Acting President ng Ukraine na ang sandatahang lakas ng Ukraine ay nasa full combat readiness, dahil palaki nang palaki ang panganib ng pagsasagawa ng tropang Rusyano ng aksyong militar sa Ukraine. Nagbigay na si Turchynov ng autorisasyon sa mga punong ehekutibo ng lahat ng lokalidad na buuin ang panrehiyong lakas panseguridad, para gumanting-salakay kung kailangan.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Rusya nang araw ring iyon, ikinababalisa ng Rusya ang nasabing pagpapatalastas ng Ukraine. Hiniling anito ng Rusya na pangasiwaan ng Kiev na itigil ang pananakot sa mga mamamayan at iwasan ang paggamit ng lakas. Bukod dito, hiniling din ng panig Ruso na isagawa ang pambasang diyalogo para maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon.
salin:wle