Sa isang preskong idinaos kahapon sa Baku, Azerbaijan pagkaraang makipag-usap kay Pangulong IIham Aliyev ng Azerbaijan, ipinahayag ni dumadalaw na Pangulong Francois Hollande ng Pransya na kasalukuyang tinatalakay ng mga bansang Europa ang pagsasagawa ng mga matigas na hakbangin para lutasin ang krisis ng Ukraine.
Sinabi ni Hollande na positibo siya sa prinsipyong pagbibigay-galang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng anumang bansa at paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Mula noong ika-11 ng buwang ito, dumadalaw si Hollande sa 3 bansa ng Southern Caucasia na kinabibilangan ng Azerbaijan, Armenia at Georgia.