Magkasamang ipinahayag kahapon ng mga lider ng Alemanya at Pransya na mahalaga ang katuturan ng idaraos na halalang pampanguluhan ng Ukraine para sa kapayapaan at kaligtasan ng rehiyong ito, kaya dapat isagawa ng iba't ibang paksyon ng Ukraine ang diyalogong pangkapayapaan.
Nag-usap nang araw ring iyon sa Stralsund, Alemanya sina Chancellor Angela Merkel at Pangulong Francois Hollande hinggil sa isyu ng Ukraine. Sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pag-uusap, ipinalalagay ng Alemanya at Pransya na kung hindi tatanggapin ng komunidad ng daigdig ang halalang pampanguluhan ng Ukraine, ibayo pang lalala ang kalagayan ng bansang ito.
Ipinahayag ni Merkel na umaasa siyang isasagawa ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mas maraming pagsisikap para mapahupa ang tensyon sa dakong silangan ng Ukraine.
Ipinahayag naman ni Hollande na pasusulungin ng Pransya at Alemanya ang pagsasagawa ng diyalogong pulitikal sa pagitan ng iba't ibang may kinalamang panig sa isyu ng Ukraine.