Ipinahayag kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Konseho ng Estado ng Amerika na hindi matatanggap ng kanyang bansa ang resulta ng reperendum na idinaos kahapon sa Donetsk at Luhansk. Ito aniya'y isang pagtatangka upang patindihin ang kalagayan sa silangan ng Ukraine at magreresulta sa pagkakawatak-watak ng bansa.
Hinihimok aniya ng Amerika ang Rusya na tupdin ang kasunduang narating sa Geneva, noong ika-17 ng Abril at pahayag na inilabas ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, noong ika-7 ng buwang ito.
Inulit din niyang hindi dapat sirain ng Rusya ang katatagan sa silangan ng Ukraine at nakatakdang halalang pampanguluhan ng Ukraine sa ika-25 ng buwang ito. Kung hindi, magbabayad ng mas mahal ang Rusya para rito.