Sinabi kahapon sa Vienna ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na dapat ilakip ang oposisyon ng Ukraine sa anumang pandaigdigang talastasan hinggil sa isyu ng Ukraine. Kung hindi, walang mararating na progreso ang naturang mga talastasan.
Binuksan kahapon sa Vienna ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga bansang Europeo. Lumahok sa pulong na ito ang 30 ministrong panlabas ng mga bansang Europeo na kinabibilangan ng Rusya at Ukraine para talakayin ang krisis sa Ukraine.
Kaugnay ng itinakdang halalang pampanguluhan ng Ukraine sa ika-25 ng buwang ito, sinabi ni Lavrov na kung patuloy na isasagawa ng pamahalaan ng Ukraine ang aksyong militar sa dakong silangan ng bansa, iligal ang darating na halalan ng bansang ito.
Binigyang-diin niyang ang pagtigil ng marahas na aksyon ay mahalagang pamantayan ng Rusya sa pagtasa kung lehitimo ang halalan sa Ukraine.