Sa isang artikulong pinamagatang "Aral mula sa Insidente ng MH370" na ipinalabas kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia sa pahayagang "Wall Street Journal," ipinahayag ni Najib na dapat pumulot ng aral ang industriya ng abyasyon ng buong daigdig sa Flight MH370 incident, at dapat din nilang pabutihin ang mga sistemang gaya ng tele-komunikasyon at real time tracking.
Bukod dito, inamin ni Najib sa artikulo na kailangang palakasin ang security check sa paliparan ng Kuala Lumpur.
Salin: Li Feng