Si Hishammuddin Tun Hussein, nanunuparang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia
Sa isang news briefing na idinaos kahapon sa Kuala Lumpur, sinabi ni Hishammuddin Tun Hussein, nanunuparang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na sa susunod na yugto, ang pokus ng paghahanap ng Flight MH370 ay muling tatasahin ang mga datos para tiyakin ang mas eksaktong saklaw ng paghahanap, isagawa ang submarine detection, at tiyakin at ideploy ang mga kinauukulang kasangkapan.
Isiniwalat din niya na mula susunod na linggo, isasagawa bawat linggo ng Malaysia, Australia, at Tsina ang video conferencing para talakayin ang pagdedeploy ng bagong kasangkapan at kinauukulang bayad ng paghahanap.
Salin: Li Feng