Sa Naypyidaw — Kinatagpo dito kahapon ng hapon ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ang kanyang counterpart na si Phung Quang Thanh mula sa Biyetnam. Pumarito si Chang sa Myanmar para dumalo sa Pagtatagpo ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at ASEAN.
Sinabi ni Chang na nitong ilang araw na nakalipas, hinadlangan at giniba ng panig Biyetnames ang normal at legal na gawain ng paggagalugad ng panig Tsino sa karagatan ng Xisha Island, partikular na, ang grabeng marahas na insidente na nakakatuon sa mga bahay-kalakal at mamamayang Tsino sa Biyetnam na naganap kamakailan. Ani Chang, buong tatag na tinututulan at buong tinding kinondena ang mga ito ng panig Tsino. Dapat igalang ng panig Biyetnames ang kasaysayan, at pakitunguhan nang tumpak ang katotohanan.
Sinabi naman ng panig Biyetnames na lubos na pinahahalagahan ng partido, pamahalaan, at hukbo ng Biyetnam ang pagpapaunlad ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa Tsina. Nakahanda ang Biyetnam na panatilihin ang pakikipagkoordinahan sa Tsina hinggil sa may-kinalamang isyu.
Salin: Li Feng