Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula nang araw ring iyon, itinaas ng panig Tsino ang tourism safety warning level para sa mga turistang Tsino sa Biyetnam, at sinuspendi ang ilang plano ng bilateral na pagpapalitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Hong, ipinadala na ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina ang 5 pampasaherong bapor para ilikas ang mga tauhang Tsino mula Biyetnam. Ayon sa pagtaya, lumisan ng Biyetnam ngayong araw ang halos 4,000 manggagawa pauwi ng Tsina.
Salin: Li Feng