Sa isang pahayag, sinabi kahapon ni Hishamuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa at nanunuparang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na inatasan na niya ang Department of Civil Aviation ng Malaysia (DCA) na makipagtalakayan sa International Maritime Satellite Organization (IMSO) tungkol sa pagbubukas ng orihinal na data ng nawawalang Flight MH370 ng Malayia Airlines.
Dagdag pa niya, noong katapusan ng nagdaang linggo, nagpulong ang mga may-kinalamang dalubhasa mula sa Malaysia, Tsina, at Australia. Sinang-ayunan aniya nila na isagawa ang tungkulin ng deep sea exploration sa rehiyon na itinakda ng Kawanihan ng Seguridad ng Transportasyon ng Australia sa South Indian Ocean.
Salin: Li Feng