Habang nagdaraos ng preskon, dinakip kahapon sa Bangkok ng panig militar si Chaturon Chaisaeng, dating Ministro ng Edukasyon at isa sa mga key persons ng Pheu Thai Party.
Sa preskon, sinabi ni Chaturon Chaisaeng na ang kudeta ay hindi demokratikong aksyon, hindi nito malulutas ang mga isyung panlipunan, sa halip, magpapalala ito ng sagupaan at magdudulot ng karahasan. Aniya, hindi ito tanggap ng komunidad ng daigdig at karamihan ng mga mamamayang Thai. Binigyan-diin niyang hindi siya nakapagrehistro sa panig militar dahil hindi niya tanggap ang kudetang ito at nakahanda siyang dakpin.
Sinabi ni Winthai Suwari, Pangalawang Tagapagsalita ng tropang panlupa ng Thailand, na hindi sumunod si Chaturon Chaisaeng sa utos ng "Pambansang Komisyon sa Pangangalaga sa Kapayapaan at Kaayusan ng Thailand," kaya dapat tanggapin niya ang paglilitis ng military tribunal.
Salin: Andrea