Opisyal na ipinatalastas kahapon ng Lupong Elektoral ng Ukraine ang pagkapanalo ni Petro Poroshenko sa katatapos na halalang pampanguluhan ng bansa.
Ayon sa resulta ng botohan, nakuha ni Poroshenko ang halos 55% ng boto.
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Poroshenko kamakailan, hiniling ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations kay Poroshenko na pangalagaan ang soberanya ng bansa sa pamamagitan ng mapapayapang paraan. Hiniling din ni Ban kay Poroshenko na makipag-usap kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Salin: Jade