Nag-usap kahapon sa Beijing hinggil sa isyu ng Six Party Talks si Wu Dawei, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa mga Suliranin ng Korean Peninsula at ang kanyang counterpart na Timog Koreano na si Hwang Joon-kook.
Kapuwa ipinahayag ng dalawang bansa na magkasama silang magsisikap para mapanumbalik ang Six Party Talks sa lalong madaling panahon at mapangalagaan ang katatagan ng Korean Peninsula.
Ipinahayag ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular na preskon kahapon.
Salin: Jade