Nadakip ng mga sundalong Israeli ang isang Palestino
Sumang-ayon kahapon ang lahat ng mga lider ng Palestina na humingi ng tulong sa United Nations Security Council (UNSC) para maitigil ang aksyong militar ng Israel sa Palestina, at malutas ang lumalalang isyu ng 2 panig.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng mga lider ng Lupong Tagapagpaganap ng Palestine Liberation Organization(PLO) at Palestinian National Liberation Movement (Fatah), nagkaroon sila ng pakikipag-ugnayan sa United Nations (UN), at umaasa silang idaraos ng UNSC ang pangkagipitang pulong at hihilingin sa Israel na itigil ang "pananalakay nito sa Palestina."
salin:wle