|
||||||||
|
||
Si Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN
Ipinahayag kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na ang paraang pulitikal ay ang tanging paraan sa paglutas sa krisis ng Ukraine. Nanawagan din siya sa iba't ibang may kinalamang panig na aktuwal na isakatuparan ang mga narating na dokumento at roadmap hinggil sa tigil-putukan sa bansang ito.
Sa bukas na pulong ng UN Security Council hinggil sa isyu ng Ukraine, ipinahayag ni Wang ang pagkabahala sa kasalukuyang makataong krisis sa ilang lugar ng bansang ito.
Bukod dito, umaasa aniya siyang magtitimpi ang iba't ibang may kinalamang panig para palalimin ang pagtitiwalaan sa isa't isa at magkakasamang pasulungin ang paglutas sa isyung ito, sa paraang pulitikal.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |