BEIJING, China –Nagtagpo kahapon si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at ang kanyang counterpart mula sa Myanmar na si Wunna Maung Lwin.
Si Wunna Maung Lwin ay kasama ni Pangulong Thein Sein sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina mula ika-27 hanggang ika-30 ng buwang ito.
Kapuwa ikinalugod ng dalawang ministrong panlabas ang mga natamong bunga sa pagdalaw ni Thein Sein. Ipinahayag din nila ang kahandaan na tupdin ang nasabing mga bunga para makinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa. Sang-ayon din sila sa pananangan sa tumpak na direksyon ng pagtutulunang Sino-ASEAN. Kaugnay ng isyu ng South China Sea, kapuwa din sila naninindigan din na kailangang lutasin ang mga alitan sa pagitan ng mga direktang may kinalamang bansa, sa pamamagitan ng diyalogo. Anila, ito ay mainam na paraan para pangalagaan ang katatagan ng rehiyon.
Salin: Jade