Kaugnay ng resolusyon na ipinagtibay kahapon ng Gabineteng Hapones para sa muling interpretasyon ng konstitusyon, at alisin ang pagbabawal sa collective self-defense, matinding tinutulan ito ng iba't ibang sektor ng bansa.
Maraming mamamayang Hapones ang nagprotesta sa labas ng palasyo ng punong ministro para sa pagtibay ng nasabing resolusyon. Hanggang kahapon ng hapon, ang bilang ng mga demonstrador ay umabot na sa halos 10 libo. Samantala, nagprotesta rin ang mga Hapones sa mga lunsod ng Nagoya, Nagasaki, at Hiroshima.
Bukod dito, ipinahayag ng mga grupong oposisyon ng Hapon na gaya ng Democratic Party, at People's Life First Party, na sila ay matinding tumututol sa kapasiyahan ni Punong Ministro Shinzo Abe na alisin ang pagbabawal sa collective self-defense. Ipinalalagay nila na ang nasabing resolusyon ng pamahalaan ay lumabag sa diwa ng "Peace Constitution" at nakapinsala sa imahe at kredibilidad ng bansa.
Ipinahayag naman ng Japan National Press Club, mga opisyal sa lokalidad, at mga dalubhasang Hapones ang pagtutol sa resolusyon ng pamahalaan.
Salin: Ernest