|
||||||||
|
||
Dumating ngayong araw sa Yangon ng Myanmar si Julie Bishop, Ministrong Panlabas ng Australia, para isagawa ang kanyang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa bansang ito.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng Ministring Panlabas ng Australia, magkahiwalay na kakatagpuin ni Bishop sina Pangulong Thein Sein ng Myanmar, at Aung San Suu Kyi, Tagapangulo ng National League for Democracy (NLD) ng bansang ito.
Ipinahayag ni Bishop na palagiang kinakatigan ng Australia ang pagpapasulong ng Myanmar ng kabuhayan at reporma, lalo na sa larangan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan.
Bukod dito, makikipagtagpo rin si Bishop sa mga kinatawan ng sektor ng komersyo ng Myanmar para talakayin ang pagpapasulong ng kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa.
Pagkatapos ng Myanmar, dadalaw rin si Bishop sa Laos.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |