Nagpadala kahapon si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ng mensaheng pambati kay Pangulong Barack Obama ng Amerika bilang pagbati sa Araw ng Kalayaan ng Amerika.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Putin ang pag-asa para sa maayos na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa pundasyon ng pagkakapantay at pagiging pragmatiko. Binigyang-diin din ni Putin na mahalaga ang paggalang sa pambansang kapakanan ng isa't isa.
Sapul nang maganap ang krisis sa Ukraine, nasadlak na sa tensyon ang bilateral na relasyon ng Rusya at Amerika.
Salin: Ernest