BEIJING, Tsina—Ipinahayag kahapon ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Tsina na ang pagsasakatuparan ng pangmatagalang katatagan at kasaganaan ng Asya-Pasipiko ay ang pundasyon ng mga patakaran ng Tsina sa rehiyong ito.
Winika ito ni Yang sa Ika-anim na Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko ng Tsina at Amerika na binuksan kahapon sa Beijing.
Ipinagdiinan ng kasangguning Tsino na palagiang nagkokonsentra ang Tsina sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng Asya-Pasipiko at buong-tatag na nananangan sa landas ng mapayapang pag-unlad para mapasulong ang magkakasamang kasaganaan ng lahat ng mga miyembro ng rehiyong ito. Idinagdag pa niyang buong-sikap ding pinasusulong ng Tsina ang pagiging bukas at inklusibo ng rehiyon at winiwelkam din ng Tsina ang pagsali ng iba pang bansa ng rehiyon sa prosesong ito.
Salin: Jade