Montreal, Kanada—Nagpadala kahapon ang International Civil Aviation Organization (ICAO) ng liham sa lahat ng 191 signataryong bansa para hilingin sa kanila na sundin ang regulasyong pandaigdig at tiyakin ang kaligtasan ng mga eroplanong sibil sa himpapawid ng lugar na apektado ng sandatahang sagupaan.
Idinagdag pa ng ICOA na ang nasabing bukas na liham ay isa mga hakbang na isinagawa nito para maigarantiya ang kaligtasan ng mga eroplanong sibil makaraang bumagsak ang Flight MH17 ng Malaysia Airlines noong ika-17 ng buwang ito.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhan sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade