MAYROONG 86 na tahanan sa sa Hinundayan, Southern Leyte ang napinsala ng Intensity VI na lindol noong nakalipas na Biyernes.
Ayon sa sources sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol noong mga ika-7 at 57 ng umaga noong Biyernes sa Southern Leyte na pinagdududahang nagmula sa Leyte Segment ng Philippine Fault Zone.
Isang Quick Reaction Team ng Phivolcs ang ipinadala sa pook at nag-ulat na mayroon ding 12 paaralan ang napinsala. Tatlong kapilya ang hindi magagamit na pangsamantala at nagkaroon din ng dalawang tulay na napinsala. Walang pagtataya kung gaano ang halaga ng mga napinsalang gusali, tahanan at pagawaing-bayan.