Ayon sa ulat ngayong araw ng Lianhe Zaobao ng Singapore, pinagtibay ng National Peace and Order Maintaining Committee (NPOMC) ng Thailand ang dalawang plano para sa konstruksyon ng high speed railway na nagkakahalaga ng halos 23.2 bilyong Dolyares.
Ang naturang dalawang plano ay tinayang magsisimula sa taong 2015 at matatapos sa taong 2021. Ang isang high speed raiway ay mula lalawigang Nong Khai hanggang Map Ta Phut at may habang 737 kilometro. Ang isa naman ay mula Chaing Kong ng lalawigang Chiang Rai hanggang Ban Phachi at may habang 655 kilometro.
Salin: Ernest