|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapasalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinding hindi matatanggap ng Tsina ang anumang pang-aabuso ng dahas na nagreresulta sa kasuwalti ng mga sibilyan.
Ipinahayag ni Qin ang nasabing paninindigan bilang tugon sa pang-aatake ng tropang Israeli sa paaralan ng UN sa Gaza.
Ikinasindak aniya ito ng Tsina at buong tinding kinondena ito ng Tsina.
Ipinagdiinan din ng tagapagsalitang Tsino na ang nagsasagupaang panig sa Gaza Strip ay kailangang magtigil-putukan kaagad nang walang pasubali.
Inatake kahapon ng hukbong Israeli ang isang paaralan sa hilagang Gaza na pinatatakbo ng UN Relief and Works Agency for Palestine Refugees. Ikinamatay ito ng mahigit sampung tao na kinabibilangan ng mga bata at UN staff.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |