Dumating kahapon sa Cairo, kabisera ng Ehipto si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, para sa opisyal na pagdalaw.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga Ministro ng Ehipto na kinabibilangan nina Ministrong Panlabas Sameh Shukri, Ministro ng Industriya at Kalakalan Mounir Fakhry Abdel Nour, Ministro ng Koryente at Enerhiya Sabah Mohammed Shakir, Ministro ng Pamumuhunan Ashraf Salman, at Kinatawan ng Ministro ng Transportasyon Mohab Memish, ipinahayag ni Wang ang pagpapasigla sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Ehipto at paglalakbay ng dumaraming turistang Tsino sa bansang ito. Sinabi pa ni Wang na nakahanda ang Tsina na magkaloob ng mga teknolohiya sa Ehipto.
Bukod dito, umaasa si Wang na gagamitin ng Ehipto ang mga aktuwal na hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga bahay-kalakal at mamamayang Tsino sa bansa.
Samantala, sumang-ayon ang dalawang panig sa pagpapalalim ng bilateral na kooperasyon sa mga larangan na gaya ng enerhiya, kalakalan, imprastruktura at agrikultura.