|
||||||||
|
||
ANG pitong manggagawang Filipino na galing sa Sierra Leone ang napatunayang negatibo sa nakamamatay na Ebola Virus.
Dumating ang mga OFW kamakailan mula sa Sierra Leone at walang anumang sintomas ng mga taong may Ebola virus.
Kabilang sila sa 15 OFWs na nakauwi ngayong Agosto mula sa Sierra Leone, isa sa apat na bansang may pinakamataas na bilang ng may Ebola Virus. May Ebola virus sa mga bansang Guinea, Liberia at Mali.
Ayon sa datos ng World Health Organization, ang nagkakaroon ng Ebola virus ay mayroong mataas na posibilidad na masawi. Mayroon an g higit sa 700 katao ang nasawi mula noong Pebrero.
Sinabi na rin ng Kagawaran ng Kalusugan na wala pang kaso ng Ebola sa Pilipinas.
Nananatiling naka-alerto ang Kagawaran ng Kalusugan sa posibleng pagpasok ng nakamamatay na virus sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Undersecretary Teodoro Herbosa na naghihintay pa sila ng 21 araw upang maideklarang tunay na walang Ebola virus ang mga manggagawa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |