Ayon sa ulat kahapon ng pamahalaang Malay, dadalhin sa Malaysia ang mga bangkay ng 16 na nasawing Malay sa bumagsak na MH17 ng Malaysian Airlines sa ika-22 ng buwang ito. Ang araw na ito ay tinakda rin ng Malaysia bilang pambansang araw ng pagkadalamhati.
Sa isang pahayag, sinabi ni Muhyiddin bin Haji Mohd. Yassin, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia na pupunta sa paliparan ang Hari, Punong Ministro at iba pang lider ng bansa. Pagkaraan nito, pababalikin sa kanilang lupang-tinubuan ang mga bangkay. Napag-alamang, sa lahat ng 16 na nasawi, ang 15 ay Malay at isa pa ay isang Dutch na isinilang sa Malaysia.