Binuksan ngayong gabi sa Nanjing, lunsod sa silangang Tsina, ang Ikalawang Summer Youth Olympic Games (YOG).
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ang dumalo at mismong nagpatalastas ng pagbubukas ng palarong ito. Lumahok din sa seremonya ng pagbubukas sina Pangulong Thomas Bach at Honorary President Jacques Rogge ng International Olympic Committee (IOC), Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, at ang mga lider ng ilang bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas, itinanghal ang palabas na pansining na may pamagat na "Paliwanagin ang Kinabukasan." Ipinakita sa palabas ang mga elementong pangkultura ng Tsina at pananabik ng mga kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap. Kinanta ng apat na mang-aawit mula sa Tsina, Timog Korea, at Rusya ang theme song ng palarong ito. Sinindihan ni Chen Ruolin, Olympic gold medalist ng Tsina, ang sulo ng palaro.
Kalahok sa kasalukuyang YOG ang halos 3,800 manlalaro mula sa 204 na bansa at rehiyon ng daigdig na kinabibilangan ng 123 galing sa Tsina at 7 galing sa Pilipinas. Ang edad ng mga manlalaro ay sa pagitan ng 15 hanggang 18.
Ipipinid sa ika-28 ng buwang ito ang Nanjing YOG.