Isang aktibidad na pinamagatang "Pakikipagdiyalogo Kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN" ang idinaos kahapon sa Nanjing University. Ang tema nito ay "Pakikilahok ng mga Bata at Komong Pag-unlad."
Sa kanyang talumpati, binigyang-pag-asa ni Ban Ki-moon ang mga batang Tsino, at bumati rin siya sa Nanjing Youth Olympic Games (YOG). Aniya, sana mag-iiwan ito ng mahalagang pamana para sa kapayapaan at kaunlaran.
Kahapon ng hapon, nag-tipun-tipon sa Nanjing University sina Ban Ki-moon, mga namamahalang tauhan ng mga organisasyon ng kabataan ng iba't-ibang bansa, at mga batang kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo para magkakasamang talakayin ang papel ng mga bata sa pagpapasulong ng komong pag-unlad.
Salin: Li Feng