|
||||||||
|
||
Hiniling kamakailan ng isang mananaliksik na Malay sa Tsina at mga bansang ASEAN na pasulungin ang kanilang pagtutulungan sa hinaharap.
Sa kanyang artikulong isinapubliko sa People's Daily, Opisyal na Pahayagan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Ei Sun Oh, mananaliksik ng Rajaratnam School of International Studies (RSIS) ng Nanyang Technological University (NTU) at dating kalihim na pulitikal ng punong ministro ng Malaysia na matagal at mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya. Mas malawak pa aniya ang espasyo ng pagtutulungan ng dalawang panig.
Sinabi ng mananaliksik na Malay na ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ay nagsisilbing pinakamahalagang pundasyon ng relasyong Sino-ASEAN. Kaya, ang mga paksa ng katatapos na serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya na may kinalaman sa pagpapasulong ng upgrading ng China-ASEAN Free Trade Agreement (CAFTA), pagpapahigpit ng connectivity at magkakasamang pagtatatag ng Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo ay nakatawag ng pansin mula sa iba't ibang panig.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), ipinagdiinan ni Oh na hindi makakaapekto sa panlahat na kalagayan ng pagtutulungang Sino-ASEAN ang alitang pandagat ng Tsina at ilang bansang ASEAN. Upang mapasulong ang magkasamang paggagalugad sa nasabing karagatan, maaaring pabilisin ng dalawang panig ang talastasan hinggil sa Code of Conduct (COC), bilang pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Idinagdag pa ng mananaliksik na kapuwa ang Tsina at mga bansang ASEAN ay may iba't ibang lahi at kultura, kung saan maaaring matuto sa isa't isa ang dalawang panig.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |