|
||||||||
|
||
Cairo, Ehipto—Ipinahayag kahapon dito ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina ang kanyang pag-asang mapapanumbalik ng Israel at Palestina ang talastasang pangkapayapan sa lalong madaling panahon para itigil ang madugong sagupaan ng Israel at Hamas.
Sa isang preskon makaraang makipag-usap kay Pangulong Abdel-Fattah El-Sisi ng Ehipto, sinabi ni Abbas na ang layunin ng pagdalaw niya sa Cairo ay para mapasulong ang pagpapanumbalik ng Israel at Palestina ng talastasan nila, at sa aspektong ito, ang Ehipto ay gumaganap ng di-mahahalinhang papel.
Nanawagan nang araw ring iyon ang Ehipto sa Israel at Palestina na panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan sa lalong madaling panahon.
Nitong nagdaang dalawang linggo, ilang beses na sinang-ayunan ng Israel at Palestina ang tigil-putukan para isagawa ang talastasan sa Cairo. Dahil sa malaking pagkakaiba, hindi napagkasunduan ng dalawang panig ang pangmatagalang kasunduan ng tigil-putukan.
Noong ika-19 ng buwang ito, muling naganap ang alitan ng dalawang panig. Nasira ng kanilang pansamantalang kasunduan ng tigil-putukan.
Ayon sa datos ng Palestina, sapul nang simulan ng Israel ang Operation Protective Edge laban sa Gaza, mahigit 2,000 Palestino ang namatay at karamihan sa mga ito ay sibilyan. Samantala, mahigit 60 sibilyan at sundalong Israeli ang namatay dahil sa alitan ng dalawang panig.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |