Ipinahayag kahapon ni Frank Kargbo, Ministro ng Katarungan ng Sierra Leone na ayon sa rebisadong batas na pangkalusugang pampubliko na pinagtibay kamakailan ng Parliamento, ang pagpapatago ng Ebola victims ay itinuturing krimen. Sinuman lalabag sa batas na ito ay mahaharap sa dalawang taong pagkabilanggo.
Sinabi ni Kargbo na sinimulang pairalin ng nasabing batas na pangkalusugang pampubliko noong 1960 kung kailan wala pa Ebola, kaya, kailangang kailangan ang pagsususog nito sa ilalim ng kasalukuyang situwasyon.
Ayon sa pinakahuling ulat ng World Health Organization, hanggang ika-20 ng buwang ito, mahigit 1,420 ang namatay dahil sa Ebola sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Salin: Jade