Magkahiwalay na natuklasan kahapon ang dalawang bagong pinaghihinalaang kaso ng Ebola sa Berlin ng Alemanya at Basque ng Espanya na kailangang ibayo pang kumpirmahin o alisin.
Ayon sa mass media ng Alemanya, kahapon ng umaga, biglaang nawalan ng malay-tao ang isang 30 taong gulang na babae sa isang employment center na may symptom ng lagnat. Sinabi ng tagapagsalita ng Charite University Medicine Berlin, hindi nakadalaw ng rehiyong epidemiko ang nasabing may-sakit, kaya, maliit ang posibilidad ng paghawak ng Ebola.
Samantala, ipinaalam ng departamentong pangkalusugan ng Basque ng Espanya na natanggap kamakalawa ng ospital na lokal ang isang pinahihinalaang may-sakit ng Ebola. Naisagawa na ng ospital ang pag-detain sa nasabing may-sakit para ibayo pang analisahin kung nahawahan niya ang Ebola o hindi.