SAMANTALANG may tatlo hanggang apat na bagyo ang tumatama sa iba't ibang bansa, umaabot sa 19 hanggang 20 bagyo ang dumaraan sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Joseph Basconcillo, isa sa mga weather specialist ng PAGASA sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng media sa idinaos na PHAP-FOCAP Forum on the Public Health Impact of Disasters, na mula noong 1949 hanggang 2009, halos maihahambing sa isang tuwid na linya lamang ang dinaanan ng mga bagyo.
Wala ring nakitang sapat na ebidensyang magsasabing tumaas ang bilang ng mga bagyo dahilan sa climate change. Nabatid na mayroong tatlong daluyong na naganap sa Silangang Kabisayaan ayon sa pagsusuro ni Kubota kamakailan. Naganap ang mga ito noong 1897, 1912 at noong 2013.
Malaki ang posibilidad na magkaroon ng lima hangang walong bago mla Oktubre hanggang Pebrero ng 2015.