Ayon sa pinakahuling sirkular na isinapubliko ng World Health Organization, ang epidemiya ng Ebola sa Kanlurang Aprika ay ikinamatay na ng mahigit 3000 katao, at tuluy-tuloy na kumakalat ang epidemiyang ito.
Anang sirkular, hanggang noong ika-23 ng kasalukuyang buwan, di-kukulangin sa 3091 katao ang namatay dahil sa Ebola virus, at 6574 naman ang bilang ng mga pinaghihinalaan at kumpirmadong kaso. Naapektuhan nang pinakagrabe ng epidemiya ng Ebola ang Libya, at naiulat na nito ang 1830 kaso ng pagkamatay sa sakit na ito.
Salin: Vera