Magkahiwalay na hinirang kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN) sina David Nabarro at Anthony Banbury bilang espesyal na sugo at espesyal na kinatawan sa isyu ng Ebola virus. Samantala, manunungkulan din si Banbury bilang puno ng espesyal na pangkagipitang delegasyon ng UN sa epidemiya ng Ebola.
Bilang espesyal na sugo sa isyu ng Ebola virus, magkakaloob si Nabarro ng patnubay sa hakbangin ng komunidad ng daigdig sa pagharap sa epidemiya ng Ebola. Papasukin din niya ang mas maraming masusing pagkatig sa mga apektadong mamamayan at bansa.
Bilang espesyal na kinatawan ng UN sa isyu ng Ebola virus at puno ng pangkagipitang delegasyon sa epidemiya ng Ebola, itatakda naman ni Banbury ang balangkas sa pagpigil sa pagkalat ng epidemiya, paggagamot ng mga may-sakit ng Ebola, at pangangalaga sa katatagan.
Salin: Vera