Sa kanyang talumpati sa ika-4 na Pandaigdig na Summit hinggil sa Kooperasyon sa Cyberspace na idinaos sa Stanford University, Estados Unidos (E.U.), sinabi ni Cai Mingzhao, Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na kinakaharap ng Tsina ang mahigpit na banta sa cybersecurity. Patuloy aniyang magbibigay ng ambag ang Tsina, kasama ng iba pang bansa sa daigdig para sa pangangalaga ng cybersecurity, at pagpapalawak ng kooperasyon ng mga bansa at organisasyong pandaigdig batay sa pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Nanawagan si Cai na itakda ang "international code of conduct" sa internet, at talakayin ang mga mabisang paraan para malutas ang mga isyung may-kinalaman sa cybersecurity. Iminungkahi rin niyang lubos na patingkarin ang papel ng United Nations Group on the Information Society, para malutas ang mga napipintong isyung may kinalaman sa interes na panseguridad ng buong daigdig.
salin:wle