Ipinahayag kahapon ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, na dapat pasulungin ng kanyang bansa ang pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan para harapin ang mga pangmatagalang hamon.
Sinabi ni Lee na nitong ilang taong nakalipas, ang bahagdan ng paglaki ng suweldo ay mas malaki kaysa sa bahagdan ng paglaki ng production capacity. Hindi ito aniya isang sustenableng kalagayan.
Ayon sa kanya, ang mga may kinalamang hakbangin ay kinabibilangan ng pagtuturo ng mga bagong kahusayan sa mga manggagawa, pagsasaayos ng mga patakarang pangkabuhayan, at paghikayat ng mga bagong-sibol na bahay-kalakal na kapalit ng mga atrasadong bahay-kalakal.
Ito aniya ay magpapaganda ng pamumuhay ng mga Singaporean.