Bilang tugon sa sadyang paghahasik kamakailan ng mga masamang elemento ng salungatan at aksyong kriminal, ipinahayag kahapon ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region o HKSAR ang buong lakas na pangangalaga ng pamahalaan ng HK sa katatagan at kaayusan ng lipunan. Aniya, ang Kapulisan ay nagiging pinakamalahagang puwersa sa usaping ito.
Ipinahayag din kahapon ng Kapulisan ng HK na ipagpapatuloy nito ang tungkulin sa pagbibigay-serbisyo sa mga taga-HK. Samantala, mayroon din itong kakayahan at determinasyon para pangalagaan ang seguridad at kaayusan ng lipunan, dagdag pa nito.