Sa World Economic Outlook na ipinalabas kahapon, tinataya ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), na posibleng aabot sa 6.9% ang GDP ng Tsina sa taong 2016.
Ayon sa pagtaya ng OECD, aabot sa 3.3% at 3.7% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig para sa kasalukuyan at susunod na taon. Kabilang dito, bumubuti ang kabuhayan ng Estados Unidos (E.U.) na aabot sa 2.2% at 3.1% ang paglaki ng GDP nito at nananatiling maliit ang paglaki ng kabuhayan ng Hapon at Europa, anito, aabot sa 1.1% at 1.7% ang paglaki ng GDP ng Euro Zone at 0.8% at 1% lamang para sa Hapon.