Sumiklab ang karahasan kahapon ng madaling araw sa pagitan ng mga tagasunod ng "Occupy Central" at linyang pandepensa ng Kapulisan ng Hongkong at sinakop nila ang kalye sa paligid ng punong himpilan ng pamahalaan ng HKSAR.
Nang araw ring iyon, mahigpit na kinondena ng ibat-ibang sektor ng lipunan ng Hongkong ang naturang pinakanang aksyong ilegal ng mga di-umano'y organisasyong pangkapayapaan ng "Occupy Central," na nakakapinsala sa regulasyon at kaligtasang pampubliko ng Hongkong.
Sa isang pahayag na magkakasamang inilabas kahapon ng 41 miyembro ng Lehislatura ng HKSAR, buong tatag na sinuportahan nito ang hakbang ng Kapulisan sa batas, para parusahan ang nasabing aksyong ilegal. Samantala, ipinalabas din ang pahayag ng Chinese Manufacturers's Assosiation of HK para kondenahin ang ilegal na "Occupy Central". Hinimok din ng pahayag ang mga demonstrador na itakwil ang kanilang aktibidad na salungat sa batas, at magbigay-suporta sa Kapulisan para panumbalikin sa normal ang HK.